Buntis patay, ina grabe sa taga ng selosong partner

Buntis patay, ina grabe sa taga ng selosong partner

January 26, 2022 @ 11:32 AM 8 months ago


AROROY, MASBATE- Halos humiwalay ang ulo sa kanyang katawan ng 5-buwan buntis na babae habang kritikal ang kanyang ina matapos silang pagtatagain na live-in partner ng huli kamakalawa ng hapon sa bayang ito.

Kinilala ang namatay na si Reyna Tugbo, 22- anyos, habang kritikal naman sa ospital ang ina nitong si Lorena, 42-anyos at kapwa residente sa Purok Baybay, Barangay Puro, Aroroy, Masbate.

Tugis naman ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Ariel Gutlay alyas Bigit, at isang gold panner sa So.Matungaw,Brgy.Cabangkalan,Aroroy,Masbate.

Batay sa report ng Aroroy Police Station, dakong 5:00 PM ng Enero 24, 2022 naganap ang krimen sa loob ng bahay ng mag-live in partner.

Lumabas sa imbestigasyon, nag-aaway sina Lorena at Gutlay sa kanilang kuwarto ng marinig ito ng kanyang anak na si Reyna.

Dahil dito, pumasok sa kuwarto ang batang Tugbo at inawat niya ang suspek habang tiinataga ang kanyang ng 19-na pulgadang itak.

Hindi nagpaawat ang suspek sa halip pinagbalingan pa nito ang batang Tugbo at pinagtataga sa iba’t ibang parte ng katawan .

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen, naabutan nilang wala ng buhay ang buntis at halos humiwalay ang ulo nito sa kanyang katawan habang ang daliri at putol.

Dinala naman sa ospital ang matandang Tugbo at patuloy na inoobserbahan sanhi ng mga tama ng taga sa iba;t ibang parte ng katawan./Mary Anne Sapico