Buntis, salesman tiklo sa droga

Buntis, salesman tiklo sa droga

February 23, 2021 @ 3:36 PM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

SANTIAGO CITY, Philippines – Arestado ng pulisya sa magkahiwalay na drug buy-bust operation ang isang buntis at isang salesman dito sa lungsod.

Nahuli ng mga kasapi ng Santiago City Police Office (SCPO) Station 2 sa Purok 4, Barangay Rosario ang anim na buwan  buntis na si alyas “Che-che”, 27, Newly Identify Drugs Personalities at residente ng nasabing lugar.

Una rito, nakipagtransaksyon si Che-che sa isang pulis na nagpanggap na buyer bitbit ang isang pakete ng hinihinalang shabu kapalit ng P1,000 bilang marked money.

Samantala, naaresto rin ng mga kasapi ng SCPO Station 1 sa Purok Uno, Barangay Sagana ang isang salesman na si Chuck Nolie Cortez, 29-anyos at residente ng Poblacion Norte, Maddela, Quirino.

Narekober sa pag-iingat ni Cortez ang isang pakete ng pinaniwalaang shabu at marked money na P3,000

Naitala bilang street level individual si Cortez na dati nang nahuli dahil sa kaparehong kaso noong 2018 at nakalaya noong 2019.

Agad na sinampahan na ng kasong may kinalaman sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang anim na buwan buntis at isang salesman. Rey Velasco


  •  
  •  
  •