Buntot ng LPA, Amiha magpapaulan sa buong bansa

Buntot ng LPA, Amiha magpapaulan sa buong bansa

January 3, 2023 @ 6:47 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na papawirin, kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Visayas at Mindanao ang buntot ng Low Pressure Area (LPA), habang ang northeast monsoon o amihan ay makakaapekto rin sa Luzon, ayon sa pagtatala ng panahon ng PAGASA ngayong Martes.

Ang Visayas, Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at Palawan ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng trough ng LPA na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila, CALABARZON, Cagayan Valley, Aurora, at Bicol Region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa northeast monsoon na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang mga pag-ulan dahil sa amihan na walang makabuluhang epekto.

Ang nalalabing bahagi naman ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa labangan ng LPA at mga localized thunderstorms na may posibleng flash flood o landslides sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 6:22 a.m., habang lulubog ito mamayang 5:39 p.m. RNT