Buong kapuluan uulanin sa easterlies, localized thunderstorms; tag-init nagsisimula na – PAGASA

Buong kapuluan uulanin sa easterlies, localized thunderstorms; tag-init nagsisimula na – PAGASA

March 27, 2021 @ 8:33 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Magdadala ng pag-ulan ang easterlies at localized thunderstorms sa buong bansa ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Makararanas ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may hiwa-hiwalay na pag-ulan ang buong bansa dahil sa easterlies at localized thunderstorms kung saan may posibilidad ang pagbaha at pagguho ng lupa.

Magiging katamtaman hanggang sa malakas ang hangin naman sa Extreme Northern Luzon na iihip sa silangan patungong timog-silangan habang bahagya hanggang sa malakas ang alon sa mga baybayin.

Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay magiging mahina hanggang sa katamtaman ang hangin mula sa direksyon ng silangan patungong hilagang-silangan habang mahina hanggang sa bahagya ang mga alon sa mga baybayin.

Samantala, opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-init sa bansa.

Ito ay dahil sa “gradual shift of wind direction” mula hilagang-silangan patungong silangan.

Dahil dito, magtatapos na ang panahon ng amihan sa bansa.

“With this development, the day-to-day weather across the country will gradually become warmer, though isolated thunderstorms are also likely to occur,” ayon sa ahensya.

“The public is advised to take precautionary measures to minimize heat stress and optimize the daily use of water for personal and domestic consumption,” paalala ng PAGASA. RNT/ELM


  •  
  •  
  •