Burgos, Surigao DN inuga ng magnitude 5 na lindol

Burgos, Surigao DN inuga ng magnitude 5 na lindol

July 19, 2022 @ 7:00 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inuga ng magnitude 5.0 na lindol ang baybayin ng Burgos, Surigao del Norte Martes ng madaling araw, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naganap ang lindol alas-2:14 ng madaling araw sa hilagang-silangan ng bayan ng Burgos na may lalim na 49 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Sinabi ng ahensya na walang ulat ng pinsala kaugnay ng lindol ngunit inaasahan ang mga aftershocks. RNT