Burnham Park rehab, pinag-uusapan na ng DOT, ADB

Burnham Park rehab, pinag-uusapan na ng DOT, ADB

July 10, 2020 @ 1:41 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinag-uusapan na ng Department of Tourism (DOT) at Asian Development Bank (ADB) ang impending rehabilitation ng pasyalang Burnham Park sa Baguio City.

Sa ulat ay ipagpapatuloy ang rehabilitasyon sa kabila ng COVID-19 crisis na kinakaharap ngayon ng bansa.

Noong Marso, inanunsyo ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na handa ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) na maglaan ng P480 milyong pondo para sa 34-hectare Burnham Park complex rehabilitation na inaprubahan noon pang Nov. 28, 2019.

Samantala, aminado naman si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na napang-abono ang budget para sa COVID-19 pandemic.

“So, we will work with ADB for Baguio rehab (but) in talks pa,” aniya.

Sakop sa rehabilitation works ang landscaping, lighting, electrical works, renovation ng view deck, boat docking, at paglalagay ng terrace planters.

Kalakip din nito ang pagtatayo ng gazebo, palikuran, at palaruan para sa mga bata.

Nakatakda namang bumisita si Puyat sa Baguio City sa Setyembre para sa inspeksyon. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...