Burol ni FVR kasado sa Huwebes

Burol ni FVR kasado sa Huwebes

August 3, 2022 @ 7:14 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Magsisimula ang burol ni dating Pangulong Fidel V. Ramossa Huwebes, ayon sa kanyang pamilya.

Batay sa ulat, mag-uumpisa naman ang viewing para sa publiko sa Linggo, Agosto 7 hanggang Lunes, Agosto 8. 

Ang bangkay ng dating Pangulo ay cremated na.

Base pa sa ulat, isasagawa ang burol ni Ramos sa Heritage Park sa Taguig. Ililibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa Martes, Agosto 9.

Pumanaw si Ramos nitong Linggo sa edad na 94. RNT/SA