Bus firms pinagpapaliwanag sa ‘di pagbiyahe pagkatapos ng window period

Bus firms pinagpapaliwanag sa ‘di pagbiyahe pagkatapos ng window period

April 23, 2022 @ 11:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nag-isyu ng show cause orders  ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa provincial bus operators sa hindi pagbiyahe sa pagkatapos ng window hours.

Ayon sa ulat nitong Biyernes, iginiit ng provincial bus operators na gamitin ang sarili nilang terminal na nagdulot ng kalituhan sa mga pasahero.

Kabilanh sa bus operators na nakatanggap ng show cause orders ay ang Victory Liner, Bataan Transit, Five Star Bus Company, First North Luzon Transit, Maria de Leon at Genesis.

Sinabi naman ng Genesis na magsususmite ito ng paliwanag sa LTFRB. 

Maraming pasahero ang istranded sa iba’t ibang terminal sa implementasyon ng 10 p.m. hanggang 5 a.m. na window hours ng provincial buses na walang QR codes at  special permits sa mga pribadong terminal sa Metro Manila.

Subalit nilinaw ng LTFRB na batay sa kasunduan ng mga operator at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pagkatapos ng window period, maaaring gamitin ng provincial buses ang mga piling integrated terminal exchange area. RNT/SA