Bus na papuntang kasal, diretsyo langit; 32 patay

Bus na papuntang kasal, diretsyo langit; 32 patay

December 9, 2021 @ 8:53 AM 1 month ago


KENYA – Patay ang 32 sakay ng isang bus na pawang mga miyembro ng choir na papunta sana sa isang kasal.

Ito ay matapos na mahulog ang kanilang bus sa ilog at tangayin ng malakas na agos.

Base sa ulat, higit 40 ang sakay ng nasabing bus. Dahan-dahan nitong tinawid ang isang tulay na inabot na ng tubig sa Kitui Country, Kenya.

Malapit na sana sa dulo ang bus pero napatumba ito ng malakas na agos na tubig, dahilan para mahulog sa ilog.

Nakaligtas ang 12 pasahero, kabilang ang apat na bata.

Sinabi ng Mwingi East Sub-country police, miyembro ng choir ang mga sakay ng bus at papunta sa kasal ng isa nilang kasamahan. RNT