Bus nagliyab sa expressway

Bus nagliyab sa expressway

June 28, 2022 @ 10:31 AM 1 month ago


LAGUNA – Nagliyab ang isang pampasaherong bus matapos umanong mag-over heat sa gitna ng ACTEx umaga ng Linggo sa bayan ng Calamba.

Sinabi ni Fire Officer 3 Jose Potenciano Garcia, PIO Section BFP, Calamba, bandang 10:00 AM nakatanggap sila ng report hinggil sa nasusunog na bus sa gitna ng daan sa ACTEx na sakop ng Barangay Milagrosa sa Calamba City.

Lumabas sa imbestigasyon, binabaybay ng bus ang south bound lane patungong Batangas ng bigla na lamang itong umusok.

Kwento ng driver, naamoy niya ang nasusunog na goma subalit binalewala lamang niya ito hanggang sa lumabas na ang makapal na usok ang nagliliyab.

Dito, pinahinto niya ang bus subalit hindi na kumagat ang handbrake at swerte naman nakaligtas itong bumaba ng bus at iba pang sakay.

Agad naman naapula ng mga tauhan ng pamatay-sunog ang apoy at walang naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente./Mary Anne Sapico