Bus sa EDSA carousel, nagliyab; 2 sugatan

Bus sa EDSA carousel, nagliyab; 2 sugatan

January 30, 2023 @ 7:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagliyab ang bus sa EDSA carousel busway sa Makati City nitong Linggo ng gabi, kung saan dalawang pasahero ang sugatan.

Naganap ang aksidente lampas alas-9 ng gabi malapit sa corner ng EDSA at Ayala Avenue, ayon sa ulat nitong Lunes.

Sinabi ng driver na si Roel Salarsa na una niyang nakita ang usok tsaka ang apoy, kaya itinigil niya ang bus at binuksan ang pinto.

Nag-unahan sa paglabas ang mga pasahero, dahilan  ng pagtatamo ng sugat ng dalawang commuters.

Sinabi ng kinatawan ng BovJen Bus Company na dinala ang mga pasahero sa ospital at sasagutin ng kompanya ang mga gastos sa pagpapagamot.

  1. Sinabi ng Bureau of Fire Protection-Makati City na nagsasagawa ito nh imbestigasyon para matukoy ang sanhi ng sunog. RNT/SA