Bus sunog sa naglarong bata

Bus sunog sa naglarong bata

December 3, 2022 @ 4:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tinupok ng apoy ang isang bus sa Calasiao, Pangasinan makaraang maglaro ng lighter sa loob nito ang isang menor de edad.

Sa kuha ng CCTV at ayon na rin sa ulat, tatlong menor de edad umano ang pumasok sa nakaparadang bus at makalipas ang ilang sandali ay bigla na lamang nagliyab ang bus.

Agad na sumugod ang mga pamatay-sunog sa nangyaring insidente at tumagal ng 10 minuto bago tuluyang naapula ang apoy.

Wala namang naitalang nasaktan o nasawi sa nangyari ngunit aabot sa tinatayang P500,000 ang danyos sa nangyaring sunog.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, isa sa mga batang pumasok ang nagsindi ng apoy gamit ang lighter na dahilan para masunog ang bus.

Testigo rin dito ang dalawang bata na kasamahan nito.

Ipinatawag na ng pulisya ang mga magulang ng tatlong bata samantala tutugunan din ng Municipal Social Welfare and Development Office ang counselling sa mga menor de edad na sangkot. RNT/JGC