Bus syut sa bangin sa Pakistan; 19 patay

Bus syut sa bangin sa Pakistan; 19 patay

July 4, 2022 @ 9:50 AM 1 month ago


QUETTA, Pakistan—Hindi bababa sa 19 katao ang namatay at 14 ang nasugatan nang bumagsak ang isang bus sa bangin malapit sa isang maliit na bayan sa kanluran ng Pakistan, sinabi ng isang opisyal noong Linggo.

Nahulog ang bus sa madulas na kalsada malapit sa Danisar sa lalawigan ng Khyber Pakhtunkhwa habang patungo ito sa Quetta mula Rawalpindi, sinabi ng lokal na opisyal na si Ejaz Jaffer sa AFP.

Ang Pakistan ay may kakila-kilabot na rekord sa road safetiness, na may madalas na aksidente dahil sa hindi maayos na pag-aalaga ng mga ruta at sasakyan — pati na rin ang walang ingat na pagmamaneho.

Hindi bababa sa 22 katao ang namatay nang bumagsak ang isang minibus sa bangin sa Balochistan noong nakaraang buwan. RNT