Bus, truck ng QC LGU handa na sa pag-agapay sa tigil-pasada

Bus, truck ng QC LGU handa na sa pag-agapay sa tigil-pasada

March 3, 2023 @ 6:51 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Dahil sa nakaambang transport strike ay inatasan na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Traffic and Transport Management Division na ihanda ang mga bus at truck ng City Hall upang isakay ang mga maaapektuhan ng isang linggo na transport strike.

Ayon kay Belmonte, malaking bilang ng mga manggagawa sa National Capital Region ay halos manggagaling sa Quezon City patungo sa ibang lungsod.

Kaugnay nito, kabilang sa mga pinalalagyan ni Belmonte ng mga bus at truck ay ang Cubao, Commonwealth Avenue, Welcome Rotonda, Novaliches Bayan, Quezon Avenue, East Avenue, QC Circle at Fairview Area.

Inatasan din niya ang Quezon City Police District (QCPD) na magpakalat ng mga pulis sa mga lugar na maaaring pagmulan ng gulo sakaling may mga grupo na humarang sa mga driver na ayaw sumama sa strike.

Maging ang lahat ng eskwelahan sa lungsod ay hinihikayat ng alkalde na magpatupad ng mga doable classes dahil mayroon naman daw ipinamahaging tablet sa mga estudyante.

Samantala maging ang mga kompanya ay pinapayuhan na rin ng QC LGU na magpatupad ng work from home set-up sa kanilang mga empleyado. Santi Celario