Bus vs motor: Rider utas, angkas grabe

Bus vs motor: Rider utas, angkas grabe

January 21, 2022 @ 6:44 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Agad na namatay ang isang  rider habang nasa kritikal na kalagayan naman ang backrider nito na  babae nang salpukin ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng bus na nasa  Carousel lane sa Quezon City, kaninang hapon.

Kinilala ang biktima na  si Leonilo Allia Roquino, drayber ng motorsiklo, nasa hustong gulang  habang nasa kritikal na kalagayan ang hindi pa nakikilalang babaeng na angkas nito na  agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Nasa kostudya naman ng mga pulis ang driver ng Golden Dragon Bus na may plakang  NFZ-4748 na si Jonathan Villanueva, 50, may asawa at naninirahan sa  B53 L 13 Golden Horizon Villas 2, Trece Martirez, Cavite.

Base sa ulat ng  Masambong Police Station 2 (PS-2) ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 1:10 ng hapon (January 20), nang maganap ang aksidente sa EDSA Southbound sa harapan ng  Sebastian Motors, Brgy.  Philam, Q.C.

Sa imbestigasyon nina PSMS Apolinar C Duro Jr at PSSg Babes Bien O Santos, kapwa binabaybay umano ng mga biktima sakay ng motorsiklo at ang bus driver ang south bound lane ng EDSA galing Balintawak patungong Cubao.

Subalit pagsapit sa nasabing lugar ay biglang umanong kumaliwa ang sinasakyang motosriklo ng mga biktima at nasalpok ng minamanehong bus ni Villanueva.

Dahil sa lakas ng impak ay namatay noon din ang rider habang  nasa kritikal na kalagayan sa isang ospital ang nakaangkas sa kaniyang babae na nagtamo ng mga pasa, baling buto at malalalim na sugat sa katawan.

Nakapiit na ang drayber ng bus na nahaharap sa reckless imprudence resulting to homicide at serious physical injuries at damage to property. Jan Sinocruz