‘Business-like’ SONA ni PBBM, kapos sa “applausable moments”- analyst
July 26, 2022 @ 8:31 AM
2 weeks ago
Views:
155
Remate Online2022-07-26T08:58:40+08:00
MANILA, Philippines – Kapansin-pansin na mabibilang lang ang palakpakan para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address nitong Lunes.
Sinabi ng isang analyst na nagmistulang “business-like” ang unang Ulat sa Bayan ng Punong Ehekutibo kumpara sa kanyang inaugural address.
Sinabi ni De La Salle University political science professor Julio Teehankee na kulang o kapos sa palakpakan o applaudable moments, ang SONA ng Punong Ehekutibo kumpara sa mga naunang naging Pangulo ng bansa.
“One thing I missed about this SONA is the lack of applausable moments. We are used to previous presidents, from the time of FVR, Erap, etcetera all the way to Duterte. There are several, and we always have a count of how many times the congressmen and the senators applauded, or even gave a standing ovation,” ani Teehankee.
“But this one seems to be, just one or two. Because of course, it’s the tenor of the speech and the manner he delivered it. He’s more business-like this time around compared to his inaugural address,” dagdag na pahayag ni Teehankee.
Sa kanyang SONA, inisa-isa ni Pangulong Marcos ang kanyang mga priority programs, kabilang na rito ang pag-amiyenda sa Electric Power Industry Reform Act o EPIRA (Rep. Act No. 9136) at ang reinstitution o muling pagbabalik ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) at National Service Training Program (NSTP).
Samantala, para naman kay Teehankee, ang pag-amiyenda sa EPIRA ay isang welcome development.
“That is a welcome development that he is willing to revisit EPIRA, which, of course, most economists and again, analysts, have pointed to one of the biggest factor to our being one of the most expensive power and electricity in the region,” anito.
Sinabi pa niya na kabilang si Energy Secretary Raphael Lotilla sa nagsulong para maipasa ang EPIRA noong 2001.
“Well who else can revisit the EPIRA but the one who helped draft it, right? And of course, if it’s the order of the executive, the president, then we have to revisit it,” ani Teehankee.
Hinggil naman sa usapin ng mandatory ROTC, sinabi ni Teehankee na tila sinang-ayunan ni Pangulong Marcos ang pagbabalik nito na ipinagkaloob ng ilang mga politiko at ilang “segments” ng populasyon.
“Again, this is a concession to a segment of the electorate and some politicians, including the Vice President herself who have been pushing for this return of ROTC. But of course they are trying to package it in a manner by which it is not simply focused on the military and and defense aspect, but also on socio-civic and disaster response,” ani Teehankee.
“As chief executive, as president of the republic, he should be a source of hope and inspiration, and that is what SONA is all about. It have evolved into a rallying cry, it’s not only a laundry list of what things to do and things to be achieved, but rather it is also supposed to rally the people, the nation, to a vision. And that’s what this president has done,” paliwanag nito.
“He has been forthright by acknowledging all the issues and the challenges, but at the end of it all, he’s saying, we will endure,” aniya pa rin. Kris Jose
August 11, 2022 @7:40 PM
Views:
6
Manila, Philippines – In the process of moving on na si Tom Rodriguez matapos ang kinahinatnan ng pagsasama nila ni Carla Abellana.
Proof that the actor has started to pick up the pieces together ay ang kanyang pagpaparamdam sa social media through Instagram.
Nasa TikTok ang aniya’y pangangahas niyang tumugtog ng piano.
Post ng aktor mula sa bahay ng kanyang pamilya sa Arizona USA: “Music has got to be one of the best and free ways that I’ve found to self-soothe.”
Aminadong hindi much of a piano player si Tom pero naitawid niya ang awitin ni John Mayer.
Sa exclusive interview ng PEP kay Tom, hindi naman daw nakatengga roon ang aktor.
Sa katunayan, may ilang shows si Ai Ai de las Alas sa Amerika na kasama siya.
Patunay na abala si Tom, ayon na rin sa kanyang manager na si Popoy Caritativo na nakapanayam ng PEP.
‘Yun nga lang, hindi pa raw handang bumalik si Tom sa bansa.
Tiyak daw kasing pagpipiyestahan ang isyu sa kanila ni Carla.
At the moment, waiting lang daw si Tom ng tawag mula sa GMA for a possible TV assignment.
Kung kursunada raw niya itong gawin ay may tsansa siyang umuwi.
Matatandaang mismong ang pamunuan ng GMA ang nag-advise sa aktor na magpalamig muna until the issue simmers down.
Samantala, ayon naman kay Carla when interviewed at the recent GMA Thanksgiving Gala ay nakatutok siya sa pagpapagawa ng kanyang bahay.
Well, all to herself. Ronnie Carrasco III
August 11, 2022 @7:30 PM
Views:
8
Manila, Philippines – Nagsilbing relief si KC Concepcion sa lugmok na kalagayan ng inang si Sharon Cuneta dahil sa kanilang muling pagsasama sa Amerika.
Post ni Sharon nitong August 9 sa kanyang social media account, “A little happy during days of grieving.”
Siyempre, walang ibang tinutukoy si Sharon kundi ang pighating dulot ng pagpanaw ng malapit niyang kaibigan na si Cherie Gil.
Cherie succumbed to a rare type of endometrial cancer nitong August 5.
Si Sharon ang isa sa mga huling nakasama ni Cherie on her sickbed hours before the latter’s death.
Kaya ganoon na lang ang saya ni Sharon when reunited with her daughter.
May sampung litrato ang ipinost ng Megastar with KC.
Election season pa noong huling magkasama ang mag-ina pero nagkaroon sila ng komunikasyon via Facetime nitong June.
Samantala, ikinalulungkot naman ni KC kapag may nababalitaan siyang iringan o ‘di pagkakaunawaan sa pagitan ng ina at anak, not necessarily referring to her case.
Hindi pa malinaw kung kailan ang uwi ni Sharon sa bansa. Ronnie Carrasco III
August 11, 2022 @7:20 PM
Views:
10
Manila, Philippines – Naging magkakuntsaba si Francine Diaz at ang kontrobersyal na aktres na si Giselle Sanchez para i-prank ang Beks Battalion.
Sa isang dressing room, nagkasama ang Kapamilya actress at ang mga miyembro ng grupo na sina Chad Kinis, MC Muah at Lassy Marquez.
Habang inaayusan, nagparinig na si Francine na sobra na raw siyang napapagod sa kanyang ginagawa.
Humirit din ito at nagtaray na tila nasisikipan siya dahil may ka-share siya sa kanyang dressing room.
Hindi naman nagpahalata subalit nayabangan sa kanyang pag-a-attitude si Chad.
Ganoon din ang naging impresyon sa kanya nina MC at Lassy.
Nagmaldita rin ang aktres at sinabing nagugutom na siya.
Nagreklamo pa ito sa pagkaing isisilbi sa kanya dahil parehong putahe raw ang natikman na niya kaya inutusan nito ang kanyang dyulalay na ibili siya ng ibang pagkain.
Dito na umarko-arko ang mga kilay ng Beks Battalion dahil sa hindi nila akalaing sa kabila ng pagkakaroon ng sweet image ay maldita umano ito.
Sa huli, doon lang na-reveal na prank lang pala ang ipinakitang pagtataray ni Francine nang humingi ito ng paumanhin sa tatlong komedyante.
Napabilib naman ang Beks Battalion sa akting-aktongan ni Francine. Archie Liao
August 11, 2022 @7:10 PM
Views:
13
SEOUL, South Korea – Nagpositibo sa COVID-19 ang sikat na Korean singer na si BoA.
Ito ang kinumpirma mismo ng aktres kung saan sa kasalukuyan ay nagpapagaling ito at nag self-quarantine matapos na tamaan ng nakahahawang sakit.
Sa kabila nito, hindi naman inaasahang maaapektuhan ang kanyang upcoming appearance sa dance survival program ng Mnet na “Street Man Fighter” na magsisimula sa Agosto 23.
Maliban sa matagal pa naman ang naturang schedule, sapat rin umano ang footage ni BoA para rito. RNT/JGC
August 11, 2022 @7:00 PM
Views:
21
MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Huwebes ang suporta para sa rekomendasyon na pagpapatupad ng signal jamming sa mga preso sa gitna ng umano’y drug operations sa loob ng kanilang pasilidad.
Sa public briefing, sinabi ni BJMP spokesperson Jail Superintendent Xavier Solda na mapipigilan ng signal jamming ang komunikasyon ng persons deprived of liberty (PDLs) sa kanilang mga contact sa labas.
“That’s a welcome development as far as the BJMP is concerned,” aniya.
“Importante yan kasi kung yan din yung isa sa mga makatutulong talaga para ma-prevent natin yung possible communications with the PDLs and possibly yung kanilang mga contact sa labas, napakagandang ideya nun. We fully support it,” dagdag niya.
Sinabi pa ni Solda na umaasa sila na gagawing prayoridad ng pamahalaan ang panukala dahil kinakailangan ng proyekto ng pondo.
“Ang second step nito, of course, ‘yung funding requirements niyan so we do hope sana mabigyan po ng priority ito ng national government,” sabi ni Solda.
Inirekomenda ni Interior Secretary Benhur Abalos nitong Miyerkules ang paggamit ng signal jammers upang putulin ang komunikasyon ng drug lords na umano’y nagsasagawa ng operasyon sa mga kulungan.
Samantala, inihayag ni Solda na 262 sa 477 BJMP jails sa buong bansa ang idineklarang drug-free habang 40 ang idineklarang drug-cleared.
“Drug cleared jails are those that were previously classified as drug-affected jail but after being subjected to drug-clearing operations, it was declared drug-free,” paliwanag niya.
“A drug free jail is a facility that has no drug personalities, no drug users, and no illegal drugs after conduct of search and seizure operations sa jail for three consecutive months ng PDEA,” patuloy ni Solda.
Sinabi rin ni Abalos na nais niyang magsagawa ng testing para sa posibleng nakahahawang mga sakit bago ikulong ang mga preso dahil sa mabilis n pagkalat ng sakit sa congested areas.
Sa kasalukuyan, mayroon lamang siyam na active COVID-19 cases sa PDLs sa BJMP jails, base kay Solda.
Sinabi rin ni Solda na 334 sa 477 BJMP jails ang masikip. Aniya, sinisikap ng BJMP na tugunan ang congestion sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga bagong gusali at pagsasaayos ng mga pasilidad.
Nagbibigay din ang BJMP ng legal support services sa mga preso upang pabilisin ang kanilang mga kaso at isinusulong ang disiplina sa mga PDL upang magkaroon sila ng mas maraming good conduct time allowance (GCTA) para sa mabilis na pagpapalaya. RNT/SA