‘Butter ng BTS, nanguna sa album sales sa taong 2021!

‘Butter ng BTS, nanguna sa album sales sa taong 2021!

January 14, 2022 @ 9:26 AM 1 week ago


Seoul, South Korea — Ibang klase talaga ang suporta ng buong mundo sa K-pop music industry lalo na sa mga grupong BTS, EXO at aespa. Ang taas kasi ng accumulated album sales nila last year sa kabila ng may COVID-19 pandemic na kinahaharap ang lahat.

Ayon sa year-end report ng South Korean music chart tracker Gaon Chart, ang top 400 albums sa nasabing bansa ay nakabenta ng 57.09 million copies nu’ng 2021, na mas mataas ng 36.9 percent mula sa taong 2020.

Ang mabilis na pagtaas ng bilang ng album sales ng K-pop music ay dahil disappointed daw ang karamihan na limitado lang ang live concerts na nagaganap dahil sa pandemya, ‘yan ay ayon sa ilang music industry officials.

Ang mga powerhouse labels na Hybe at S.M. Entertainment ang nag-dominate sa album sales last year. Kasama sa subsidiaries ng Hybes ang Big Hit Music, Belift Lab, Source Music, Pledis Entertainment, Koz Entertainment at Hybe Labels Japan.

Sa 400 albums tracked, 26 albums ang gawa ng Hybe artists na nasa top 100 list. Ang combined album sales nila ay umabot sa 15.23 million copies, na 33.5 percent ng total.

Ang BTS ang main artist ng Hybe at sila ang nangunguna sa listahan ng album sales kung saan ang kanilang second English-language single na “Butter” ay nakabenta ng halos 3 million copies last year.

Base naman sa S.M. Entertainment’s independent count, ang mga artists nila ay nakabenta ng 17.62 million copies.

“When bringing back live in-person concerts, the soaring physical album sales may experience a slow down for a while, but the upward movement is likely to continue in the mid- to long-term,” sabi pa ni Kim Jin-woo, ang head researcher ng Gaon Chart. Joey Sarmiento