‘Butter ng BTS! naungusan ng ‘Bazinga’ ng SB19 sa Billboard’s Hot Trending Songs chart

‘Butter ng BTS! naungusan ng ‘Bazinga’ ng SB19 sa Billboard’s Hot Trending Songs chart

January 26, 2022 @ 8:12 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Siguradong nasa Cloud 9 ang A’tin ngayon dahil for the FYI, nakuha ng ‘Bazinga’ ng SB19 ang record ng maraming linggo na nag-number 1 ang nasabing kanta sa Billboard’s Hot Trending Songs chart. At gaya ng inaasahan ay kinabog na ng SB19 ang record na nai-set noon ng BTS.

Ang ‘Bazinga’ ay nangunguna sa Billboard’s Hot Trending Songs chart ng pitong linggo na and overall, 12 weeks na ang tinagal nito sa nasabing chart.

Nu’ng nakaraan, ang ‘Butter’ ng BTS ang may record ng pinakamatagal na nag-number 1 sa anim na linggo.

Ang Hot Trending Songs chart ay nagbibigay ng real-time ranking ng most discussed songs sa Twitter globally.

At nitong mga nakaraang buwan, makikita na full support ang A’tin sa ‘Bazinga’ with top-trending hashtags upang patuloy nitong ma-secure ang global chart.

Proud Pinoy here! Joey Sarmiento