Online casino agent tiklo sa P156K shabu sa Valenzuela

August 15, 2022 @3:00 PM
Views:
4
MANILA, Philippines- Swak sa selda ang isang online casino agent matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Kinilala ni PLT Doddie Aguirre, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City Police ang naarestong suspek na si Niño Nicanor Faustino Jr., 42, online casino agent at residente ng 99 P. Faustino St., Brgy. Punturin ng nasabing lungsod.
Base sa report ni PSSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela Police chief Col. Salvador Destura Jr., dakong alas-3:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Aguirre ng buy bust operation sa bahay ng suspek matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta umano ito ng iligal na droga.
Sa ulat ng pulisya, isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P7,500 halaga ng droga at nang tanggapin nito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.
Nakumpiska sa suspek ang limang heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigit-kumulang 23 gramo ng shabu na may standard drug price P156,400, marked money na isang tunay na P500 peso bill at 7 pirasong P1,000 boodle money, cellphone at pouch.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 under Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. R.A Marquez
PinasLakas ng DOH dinala sa Korte Suprema

August 15, 2022 @2:50 PM
Views:
10
MANILA, Philippines- Hinikayat ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang lahat ng opisyal at kawani mg hudikatura na samantalahin ang libreng bakuna na ibinibigay ng pamahalan.
Sa kaniyang talumpati sa pagluulnsad ng PinasLakas vaccination drive sa SC courtyard, pinasalamatan nito si Department of Health OIC Rosario Vergeire sa mga libreng bakuna at booster shots hindi lamang sa mga empleyado ng korte kundi maging sa pamilya ng mga ito.
Hindi aniya maratawaran ang Pinaslakas vaccination drive ng pamahalaan dahil mahalaga ito upang magampanan ng hudikatura ang tungkulin nito ngayong panahon ng krisis.
Una nang inilunsad ang ang Pinaslakas drive noong Hulyo 26,2022 na mas pinalawig na bersyon ng booster vaccination campaign ng kasalukuyang administrasyon.
Sa kasalukuyan ay 96% ng mga tauhan ng hudikatura ay maituturing na fully vaccinated. Teresa Tavares
Cable car proposal ni Padilla ‘di isinasantabi ng DOTr ngunit..

August 15, 2022 @2:36 PM
Views:
11
MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Transportation na hindi nito dinidiskwento ang posibilidad ng pagbuo ng cable car system upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko lalo na sa Metro Manila.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ginagamit ang cable cars bilang urban transport sa ilang lugar sa Latin America.
“There is a study which was done by the Department of Transportation in the past. I am not discounting the possibility of this,” aniya nitong Lunes. “You know, we are open to all ideas although it might be difficult to implement it.”
Matatandaang inirekomenda ni Sen. Robin Padilla ang paggamit ng ropeways o cable cars upang maibsan ang problema sa trapiko sa Metro Manila at iba oang urban areas sa bansa.
Ipinag-utos ni Bautista sa kanyang Undersecretary for Road Transport and Infrastructure na pag-aralan ang suhestiyon ng senador.
“We’ll conduct a study. For you to be able to implement a program, you need to get all the important data,” pahayag ni Bautista. “Who will ride this? Will this be sustainable? Will this be profitable. Will private sector be interested to operate it?”
Magugunitang sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, nagsagawa ang DOTr ng French government-funded feasibility study sa pagbuo ng cable car system sa pagitan ng Marikina at Pasig.
Sinabi ng mga opisyal mula sa Asian Development Bank na ang cable cars ay posileng uri ng public transport para sa ilang lugar sa Metro Manila.
Subalit nagbabala sila na bagama’t mabilis na makagagawa ng cable car system, nangangailangan ito ng maraming feasibility at design studies, at maaaring hindi akma sa kabuuan ng capital region. RNT/SA
NAPOLCOM circular ukol sa pagbalasa ng mga opisyal sa pwesto nirerespeto ng PNP

August 15, 2022 @2:22 PM
Views:
17
MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na hihilingin nito ang pakikipag-dayalogo sa National Police Commission (NAPOLCOM) upang plantsahin ang reorganisasyon ng key positions sa ahensya.
Inihayag ito ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. bilang tugon sa NAPOLCOM resolution na nire-require ang pagsusumite ng listahan ng third-level officials bago bigyan ang mga ito ng posisyon.
“We have to iron out ‘yung differences namin ng NAPOLCOM. And I respect that particular NAPOLCOM memorandum circular,” pahayag ni Azurin sa isang press briefing.
Ikinasa ng PNP nitong nakaraang linggo ang reorganisasyon ng mga opisyal sa key positions para sacareer growth at pagtatalaga ng mas maraming seasoned senior officers.
Subalit, sa ilalim ng NAPOLCOM memorandum circular 2019-001, ang Director for Personnel and Records Management “shall cause the publication of vacant and soon-to-be-vacant positions” maging ang listahan ng eligible officers para sa mga nasabing posisyon.
Nakasaad dito na “any officer who is not included in the said list may not be designated to any of the third level positions in the PNP.”
“We have to talk it out how we can best deliver ‘yung intention ng NAPOLCOM and intention ng PNP,” sabi ni Azurin.
Ayon pa sa kanya, pinayagan sila ni NAPOLCOM vice chairman Rogelio Casurao na isunod na lamang ang mga dokumento.
Pumanaw si Casurao noong Enero 2021.
“I requested na, ‘Sir, nababagalan po ‘yung confirmation. Can we do at least na implement na namin ‘yung orders and then bigyan na lang namin po kayo ng copy para sa ganon mabilis ‘yung implementation natin ng revamp?’” ayon kay Azurin.
“And then the vice chair then, pinayagan po kami sa ganon na setup… Since 2016 ‘yun naman ang naging practice,” dagdag niya. RNT/SA
MPC nagkomento sa posisyon sa pagbasura ng akreditasyon ng reporter ng ‘Hataw’

August 15, 2022 @2:08 PM
Views:
23