Buwanang pensyon sa lahat ng senior citizen, binuhay sa Senado

Buwanang pensyon sa lahat ng senior citizen, binuhay sa Senado

January 26, 2022 @ 11:54 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Binuhay sa Senado ang panukalang magbigay ng universal pension sa lahat ng senior citizens sa bansa matapos itong tablahin sa Mababang Kapulungan, natuklasan sa pagdinig nitong Martes.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development on Tuesday, tinukoy ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes na kawalan ng badyet ang humahadlang upang maipasa ang panukala na nagtatakd ng P1,000 mula sa dating P500 na social pension, pero para lamang sa indigent elderlies.

Ngunit, sinabi ng grupong Aksyon sa Pensyon (AKAP) Coalition na hindi ito sapat dahil may utang ang pamahalaan sa mga lolo at lola dahil sa maling implementasyon ng Expanded Senior Citizens Act.

“Ang kasunduan natin noong unang inimplement ito ay every now and then irereview natin at iuupgrade. Wala pong upgrading na nangyari kaya po may utang po kayo sa amin so wag po ninyo kaming bigyan ng ₱1,000,” ayon kay Floro Francisco, kinatawan ng AKAP Coalition.

“Ang kailangan po natin kung maaari ay ₱1,500 although alam nating lahat na hindi ito sapat para sa pangangailangan ng senior citizens,” dagdag niya.

Inihayag ng Senior Citizen Sectoral Council sa National Anti-Poverty Commission na aabot sa P180 bilyon ang kailangan upang tugunan ang P1,500 pension para sa 10 milyong senior citizens.

Sinabi naman ni Senador Joel Villanueva na aabot sa 12 milyon ang bilang ng indibiduwal na may edad na 60 taong gulang sa buong bansa.

Inihayag naman ni Senador Risa Hontiveros sa panukalang “Lingap Para Kay Lolo at Lola Act,” na bibigyan ng social pension ang lahat ng may edad 65 anyos pataas kahit ano ang kalagayan sa lipunan.

Tinukoy naman ng NAPC na puwedeng kunin ang pondo sa hindi nagagagamit na pondo ng

Department of Social Welfare and Development, at Internal Revenue Allotment ng local government units.

“The amount is large, yes, but affordable and therefore, the program is feasible,” ayon kay NAPC Sectoral Representative Salvacion Basciano.

Suportado naman ng DSWD ang panaukala na ipinarating ni National Focal Person of Social Pension, Analiza Salud.

Umabot sa 3.4 milyon senior citizens ang nabigyan ng pensiyon noong nakaraang taon pero sinabi ni Salud na may naantalang mabigyan pero aaabot naman sa 400,000 senior citizens ang nakatanggap ng kanillang stipends sa unang yugto ng taon noong 2021. Ernie Reyes