Buwaya lumutang sa ilog

Buwaya lumutang sa ilog

June 28, 2022 @ 4:20 PM 2 months ago


Guiguinto, Bulacan- Mahigpit na ipinagbabawal ngayon sa mga residente ng Brgy.Malis ang pagpunta at pagligo sa ilog matapos mamataan ang isang pagala-galang buwaya sa ilog kamakalawa.

Ayon sa Facebook post ng l Am Malis, nakita at nakunan ang ulo ng buwaya na nakalawit sa mga tuyot na waterlily sa ilog.

Dahil dito, pinag-iingat ng mga opisyal ng barangay ang mga residente, partikular ang mga nakatira sa tabing-ilog para maiwasan ang kapahamakan.

Nanawagan sila sa mga residente na sakaling mamataan muli ang buwaya ay agad ipagbigay-alam sa kanila upang mahuli na ito.

Sinasabing matapos makipag-ugnayan ang barangay sa pamahalaang bayan, DENR, MENRO at MDRRMO ay agad itong rumesponde sa lugar upang maberipika at mahuli ang buwaya.

Sinusulat ang balitang ito,wala pang impormasyon kung muling lumutang o namataan ang sinasabing buwaya sa lugar. Dick Mirasol III