Buy local campaign sa gov’t offices, suportahan

Buy local campaign sa gov’t offices, suportahan

August 2, 2020 @ 12:27 PM 2 days ago

Share

Manila, Philippines – Suportado ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na hikayatin ang mga opisina ng gobyerno na tangkilikin ang mga Filipino-made product sa kanilang operasyon.

Ayon kay Lopez, sang-ayon ito kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar tungkol sa pahayag nito na kailangang suportahan ng mga government office ang mga negosyo sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Aniya, makatutulong ito sa mga maliliit na negosyante para sa mga nawalan ng trabaho dulot ng nasabing sakit.

“Maganda ho iyong polisiya na iyan ng — lalo na po if you’re using government resources, taxpayers money, na magandang magamit ito at mabili ang mga local manufactured product. Hindi lamang po iyong gawa ng micro SMEs, pati iyong other local manufacturers,” ani Lopez.

Una nang humirit si Andanar kay Lopez kaugnay sa “buy local” campaign at ang posibilidad na hilingin sa mga opisina ng mga ahensya sa bansa na tumulong dito.

“Mayroon po tayong campaign again, na ito po iyong ‘Go Local and Buy Local,’ nabanggit na nga po kanina, pero maaari po ba nating atasan ang buong pamahalaan, lahat ng mga ahensya na piliin ang mga produkto na galing sa local businesses para maiambag po sa ekonomiya ng ating bansa?” hirit ni Andanar. RNT/LF

Share

Comments (5)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...