‘BuyBust’ opening film ng Cinemalaya 2018

‘BuyBust’ opening film ng Cinemalaya 2018

July 18, 2018 @ 6:59 PM 4 years ago


Matapos mapanood sa New York Asian Film Festival bilang closing film noong July 15, balak naman  ng ‘Buybust’ ni director Erik Matti na pangunahan ang inaabangang Cinemalaya Independent Film Festival sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Ito’y kahit na ipapalabas din sa buong bansa ang nasabing pelikula sa August 1.

Ayon kay Cinemalaya festival director at CCP artistic director, Chris Millado, ang ‘BuyBust’ ay nakahakot na ng mga magagandang review mula sa mga kritiko at malaking tulong ito para sa groundbreaking ng indie action film.

Ang ‘BuyBuyst’ na pinagbibidahan nina Anne Curtis at Brandon Vera kasama sina Victor Neri, Joross Gamboa, Nonie Buencamino, Sheenly Gener at Paolo Rodriguez ay ipapalabas sa CCP Main Theater sa unang araw ng film fest sa CCP Main Theater sa August 3.

Tatakbo ang naturang film festival mula August 3 hanggang 15. (Remate News Team)