Byahe mula NCR plus sa MGCQ areas, pwede na – DOT

Byahe mula NCR plus sa MGCQ areas, pwede na – DOT

June 1, 2021 @ 12:56 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Maari nang magpunta ang mga taga-Metro Manila at kalapit probinsya sa mga lugar na nakasailalim sa modified general community quarantine, ayon sa Department of Tourism.

Sinabi ni Secretary Berna Romulo-Puyat, Martes, na pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force ang leisure travel sa pagitan ng NCR Plus at ibang lugar na may mas mababang quarantine status, ayon sa isang resolusyon.

Kasama sa NCR plus ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.

Nangangahulugan na pwede nang bumyahe ang lahat maliban na lang sa mga 18 anyos pababa at mas matanda sa 65 anyos.

Kinakailangan pa rin naman ang pagprisenta ng negatibong COVID-19 swab test result para mapayagang bumyahe. RNT