Byahe ng PAL, CEB, AirAsia pa-Taiwan normal pa rin

Byahe ng PAL, CEB, AirAsia pa-Taiwan normal pa rin

August 5, 2022 @ 3:16 PM 5 days ago


MANILA, Philippines – Malaya pa ring nakalilipad ang mga lokal na carrier ng Pilipinas — Philippine Airlines (PAL), Cebu Pacific (CEB), at AirAsia Philippines —  sa airspace ng Taiwan, ayon sa kani-kanilang mga tagapagsalita nitong Huwebes.

“We are closely monitoring the situation in Taiwan. We have received the Notice to Airmen from Taiwan aviation authorities regarding a specific airspace closure from 12 noon of August 4 to 12 noon of August 7. Our flight to and from Taipei today — PR890/892 –operated as scheduled utilizing a designated cleared flight routing,” ani Cielo Villaluna kasabay ng pagsisiguro na ang PH carrier ay may regular na pakikipag-ugnayan sa Taiwan authorities.

Sinabi naman ni Carmina Romero ng CEB na wala sa kanilang mga flight ang naapektuhan sa situwasyon sa Taiwan.

“We currently only accommodate essential travel between Manila and Taipei, Taiwan on a once-weekly flight (every Wednesday). We are monitoring the situation, but there are no changes in our network as of now,” ani Romero.

Ang AirAsia Philippines, sa kabilang banda, ay sa Setyembre pa ikakasa ang byahe sa Manila at Taiwan, depende na rin sa sentimyento ng merkado at mga paghihigpit sa paglalakbay.

“In view of safety, we will observe the no-fly zone advisory over Taiwan airspace while on route to our other destinations such as Seoul, South Korea, until further notice,” ani Steve Dailisan.

Naiulat na binalaan ng China ang mga airline na iwasan ang airspace ng Taiwan dahil sa mga military drill na gagawin nito mula Huwebes hanggang Linggo. RNT