Byaheng Amerika ni Ressa oks na sa CA

Byaheng Amerika ni Ressa oks na sa CA

February 18, 2022 @ 6:30 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Pinayagan ng Court of Appeals ang hirit ni Rappler CEO Maria Ressa na muling makabiyahe upang personal na tangapin ang prestihyosong award sa New Jersey sa Amerika.

Nabatid na itong linggong ito gaganapin ang seremonya para sa 2022 Woodrow Wilson Award sa Princeton University.

Ang naturang award ang pinakamataas na award na ipinagkakaloob ng Princeton University sa kanilang undergraduate alumni.

Si Ressa ay kasalukuyang nakalalaya matapos payagan na magpiyansa habang nakaapela ang kinakaharap na kasong cyber libel case. Teresa Tavares