Byaheng Calamba-Lucena ng PNR bukas na

Byaheng Calamba-Lucena ng PNR bukas na

October 7, 2022 @ 7:11 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Binuksan nang muli ng Philippine National Railways (PNR) nitong Huwebes, Oktubre 6, ang byahe ng Calamba-Lucena-Calamba line na dadaan sa mga lalawigan ng Laguna at Quezon.

Ang unang biyahe ng muling inilunsad na rutang Calamba – Lucena ay aalis sa Calamba Station dakong 6:30 PM, ilang oras matapos masaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglagda sa apat na North-South Commuter Railway (NSCR) projects.

Ang muling binuksang linyang ito ay handa na ngayong magsilbi sa mga commuter mula sa Calamba, San Pablo, at Lucena.

Bukod sa kaginhawaan na maibibigay nito sa commuters, ang muling binuksang linya ay inaasahang magkakaroon ng mas maikling oras ng paglalakbay mula Lucena, San Pablo, at Calamba, at balikan.

Ang biyahe sa umaga mula sa Lucena station ay aalis ng 4:50 ng umaga habang ang huling biyahe mula sa Calamba ay sa 6:30 ng hapon. Ang oras ng pagtakbo mula Lucena hanggang Calamba ay dalawang oras at 33 minuto. Habang ang oras ng pagtakbo mula Lucena hanggang San Pablo ay isang oras at 32 minuto.

Ang minimum na pamasahe mula Lucena hanggang San Pablo ay nagkakahalaga ng P 15, habang ang minimum na pamasahe mula Lucena hanggang Calamba ay nasa P 20.

Ang muling binuksang linya ay mag-aalok ng siyam na flag makeshift stops sa kahabaan ng Pansol, Masili, Los Banos, College, IRRI, Tiaong (Lalig), Candelaria, Lutucan, at Sariaya.

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista na ang proyektong ito ay hindi lamang magbibigay ng oportunidad para sa turismo, kundi maging sa mas mabilis na travel time options para sa mga pasahero sa pagitan ng mga lalawigan.

“Patuloy na mabibigyang kulay hindi lang ang turismo, kundi pati na rin ang mas mabilis, at mas komportableng biyahe para sa mga pasahero na galing sa mga probinsya ng Laguna at ng Quezon,” sabi ng DOTr Secretary.

“This railway will offer safe, affordable, convenient, and comfortable transport to Filipinos, while accelerating the country’s economic rebound,” sabi ni Bautista.

Sa mga pinakamaraming taon nito, ang PNR ang may pinakamalawak na network ng mga riles sa bansa, na tumatakbo mula Dagupan hanggang Naga. Jocelyn Tabangcura-Domenden