Bypassed officials maaaring italaga muli ni PRRD

Bypassed officials maaaring italaga muli ni PRRD

June 4, 2022 @ 1:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- May opsyon si Pangulong Rodrigo Duterte na i-reappoint o hindi na ang ad interim appointments nito na hindi nakalusot sa Commission on Appointments(CA), ayon kay Deputy Speaker Rufus Rodriguez.

Matatandaan na 6 Duterte appointess ang hindi nakalusot sa CA kabilang sina Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, Comelec Commissioner George Garcia, Comelec Commissioner Aimee Torrefranca-Neri, CSC Chairman Karlo Nograles at COA Chairperson Rizalina Justol.

“I think the President will choose the first option and let his successor fill the Comelec, COA, and CSC vacancies, in the same manner that the CA bypassed the appointees to give the incoming President that same opportunity,” paliwanag ni Rodriguez.

Sakali naman na magdesisyin si Pangulong Duterte n muli italaga ang mga nabanggit ay sasalang din muli ito aa CA.

“If they are reappointed, they could face the same fate in the CA of the next Congress as they suffered last Wednesday,” ani Rodriguez.

Ani Rordriguez, kung walang reappointment ay dapat bakantehin na ng mga nasabing opisyal ang kanilang tanggapan ngayong Sabado, na siyang opisyal na adjournment ng Congress base sa kanilang legislative calendar at hindi sa Hunyo 30.

“By operation of the Constitution and the CA rules, these positions become vacant upon the adjournment of the session of Congress,” paliwanag nito.

Una nang sinabi ni Acting Presidential Spokesperson, Communication Secretary Martin Andanar na nirerespeto ng Malacanang ang desisyon ng CA.

“We recognize the power vested by the Constitution in the Commission on Appointments and further respect its authority to confirm appointments made by the President,” pagtatapos pa nito. Gail Mendoza