C-130 flight record malalaman na — PAF spox

C-130 flight record malalaman na — PAF spox

July 10, 2021 @ 1:47 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ni Philippine Air Force spokesperson Colonel Maynard Mariano na inaasahan ng PAF ang recordings mula sa black box ng C-130 aircraft na bumagsak sa Patikul, Sulu sa loob ng isang buwan.

 “Wala pang isang buwan ang hihintayin po natin (we’ll wait less than a month) for the black box recording to be analyzed” saad ni Mariano.

Aniya, ang flight data recorder ng eroplano ay napadala na sa United States para sa analysis.

Paliwanag ni Armed Forces chief General Cirilito Sobejana, ang black box ay kailanga ipadala sa US dahil walang kapasidad ang Pilipinas na ma-analyze ang flight data record nito.

“Ang recovery ay 100 percent na natapos. Dadalhin natin sa Mactan kung saan bubuuin ang eroplano at ire-reconstruct po natin. At titingnan po natin ang events na pwede pong nangyari sa eroplano,” lahad pa ni Mariano. RNT/FGDC