C. Luzon, no.1 producer pa rin ng palay sa bansa

C. Luzon, no.1 producer pa rin ng palay sa bansa

September 8, 2022 @ 3:04 PM 4 weeks ago


SAN FERNANDO, Pampanga- Nananatili pa rin nangunguna ang Central Luzon bilang producer ng palay sa bansa ikalawang quarter ng taong ito.

Base sa datos ng Philippine Statistics Authority-Regional Statistical Services Office-Central Luzon (PSA-RSSO III), ang rehiyon ang nakapag-produced ng 1,134,900 metric tons ng palay at nakapag-ambag ng 27 porsyento sa bansa.

Ito ay mas mataas ang bilang ng produksyon kumpara sa 1,041,700 metric tons sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ang mga lugar na kung saan doble ang bilang ng pagtaas sa dami ng produksyon ng palay ay sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Bataan at Zambales na may kabuuang nailalabas na palay ng rehiyon ay nasa 8.9 porsyento.

Samantala, bumaba sa Pampanga, Tarlac at Aurora ang produksyon na may 2.4 percent, 6.0 percent, at 7.7 percent.

Ayon kay Arlene Divino, chief statistical specialist and PSA-RSSO III regional director, halos lahat ng palay na inani sa rehiyon noong ikalawang quarter ng taon ay mula sa irigasyon ng ecosystem na may 99.9 porsyento habang 0.1 porsyento lamang ang nagmula sa rainfed ecosystem.

“Palay harvested under the irrigated ecosystem grew by 9.7 percent to 100,500 metric tons. Rainfed ecosystem, on the other hand, recorded an 85.5 percent decline in production volume to 7,300 metric tons.”, ani pa ni Divino.

Habang ang lalawigan naman ng Nueva Ecija ay nanatiling nangungunang producer ng palay sa rehiyon ay nakapagtala ito ng produksyon na umabot sa 791,900 metric tons para sa ikalawang quarter ng taong ito at bumubuo ito ng 69.8 porsyento ng kabuuang produksyon ng rehiyon.

Sumunod naman ang mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, at Tarlac na may 8.0 porsyento, 7.6 porsyento, at 6.6 porsyento.

Samantala ang pinagsamang produksyon ng Aurora, Bataan, at Zambales ay binubuo ng natitirang 8.0 porsyento ng kabuuang produksyon ng palay ng rehiyon./Mary Anne Sapico