C. Visayas ASF-free na – DA

C. Visayas ASF-free na – DA

July 7, 2022 @ 11:55 AM 1 month ago


LAPU-LAPU CITY, Cebu—NAGPALABAS ng pahayag ang pamunuan ng Department of Agriculture Central Visayas (DA-7) na tiniyak sa publiko na ligtas sa sakit na African Swine Fever (ASF) ang mga baboy sa buong rehiyon.

Ayon kay DA-7 OIC-Regional Executive Director Joel Elumba, naghigpit ang ahensya sa lahat ng mga lugar sa rehiyon na hindi makapasok ASF virus .

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Regional Veterinary Quarantine 7 Bureau of Animal Industry, lahat ng tanggapan ng provincial veterinary at mga beterinaryo ng mga lokal na pamahalaan.

“We likewise urge all swine raisers and the public to cooperate in complying with biosecurity measures to protect our region from ASF,” ani pa ni Elumba.

Dagdag pa ng DA-7 ang ipinalabas na anunsyo ay kasunod ng maling impormasyon na ipinalabas ng isang reporter sa national television nitong Hulyo 6 na may kaso ng ASF sa Dumaguete City.

 “We hope this report be publicly rectified,” apela ni Elumba.

 Idinagdag pa ni Elumba, na ang pagdeklara ng ASF sa isang lugar ay dapat dokumentado na may lagda ng isang opisyal ng LGU at ng regional executive director ng ahensya./Mary Anne Sapico