CA Associate Justice Fajardo nanumpa na sa pwesto

CA Associate Justice Fajardo nanumpa na sa pwesto

February 3, 2022 @ 7:19 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nanumpa na ang bagong luklok na si Court of Appeals (CA) Associate Justice Jacinto Gavino Fajardo Jr. sa kanyang opisina ngayong Pebrero 3 kay Chief Justice Alexander G. Gesmundo sa session hall ng Korte Suprema.

 Si Fajardo ay dating judge ng regional trial court (RTC) at pumalit kay Associate Justice Rodil V. Zalameda.

Habang na-promote din ang dalawang RTC judge na sina CA Associate Justices Maximo M. De Leon at Ana Marie Train Mas.

Nauna naman na-appoint ni Pangulong Duterte sina Associate Justices Jennifer Joy Chua Ong at Michael P. Ong na kapwa ehekutibo sa Office of the President. RNT/FGDC