CA Associate Justice Reyes, bagong miyembro ng SC

CA Associate Justice Reyes, bagong miyembro ng SC

August 10, 2018 @ 2:04 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Inabisuhan na ng Malakanyang si Court of Appeals (CA)  Associate Justice Jose Reyes Jr., na siya ang pupuno sa nabakanteng pwesto ng nagretirong si Justice Presbitero Velasco Jr.

Ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, itinakda sa Lunes, Agosto 13 ang panunumpa ni Reyes bilang pinakabagong miyembro ng Supreme Court.

Si Reyes ang pang-apat na most senior associate justice ng CA.

Noong nakaraang taon, nagbaba ng pasya si Jose Reyes kaugnay \ng kontrobersiyal na mile long property sa Makati City pabor sa pamahalaan. (Kris Jose)