CA, CTA nominees sinala na ng JBC

CA, CTA nominees sinala na ng JBC

June 9, 2022 @ 12:11 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Judicial and Bar Council ang pagsala sa mga nais maging susunod na mahistrado ng Court of Appeals at Court of Tax Appeals.

Batay sa listahan ng JBC, nasa 36 ang nagsumite ng aplikasyon para sa mga bakanteng posisyon.

Nabatid na nasa 22 ang mga aspirante sa posisyon sa CA kapalit ng mga nagretirong sina Associate Justices Gabriel Ingles at Edgardo Camello.

Ayon sa JBC, 24 sa mga ito ang haharap sa JBC public interviews habang ang 12 sa mga aplikante ay balido pa ang nakaraang panayam.

Nakasalang sa panayam ng JBC ang mga aplikante itong Hunyo  13, 15, 20 at 21 sa Supreme Court Session Hall at June 16 sa CA Auditorium. Teresa Tavares