CA Justice application binuksan na ng JBC

CA Justice application binuksan na ng JBC

November 8, 2022 @ 11:45 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Binuksan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang aplikasyon para sa puwesto bilang associate justice ng Court of Appeals (CA).

Ayon sa JBC ang mga aspirante ay maaring makakuha ng Application Scheduler sa official JBC website na vvww.jbc.judiciary.gov.ph.

Nabakante ang tatlong posisyon sa CA matapos maitalaga si Justice Maria Filomena D. Singh bilang  Supreme Court Associate Justice noong May 18 2022.

Magreretiro naman sa November 29, 2022 si Justice Manuel M. Barrios habang si Justice Loida S. Posadas-Kahulugan ay magreretiro sa January 19, 2023.

Ang deadline para sa pagsusumite ng applications at documentary requirements ay hanggang  December 20, 2022. Teresa Tavares