CA Justice Lagura-Yap pinagmulta ng SC

CA Justice Lagura-Yap pinagmulta ng SC

October 17, 2020 @ 3:49 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinagmulta ng Supreme Court si  Court of Appeals (CA) Justice Marilyn B. Lagura-Yap matapos mapatunayan na nabigo nitong desisyunan ang 160 na kaso sa loob ng reglementary period ng siya ay Regional Trial Court (RTC) judge.

Sa per curiam decision, napatunayan ng SC na guilty si Justice Lagura-Yap ng Gross Inefficiency noong siya ay Presiding Judge ng Branch 28, Regional Trial Court, Mandaue City.

Pinagsabihan din ng korte si Yap na maging masipag sa pagtupad ng tungkulin lalo pa at siya ngayon ay isang CA justice.

Ang multang ipinataw kay Yap ay katumbas ng isang taon nitong sahod bilang CA justice.

Iginiit ng SC na patunay ito na seryoso sila sa pagtupad nang mabilis na pagresolba ng mga kaso dahil ang mabagal na disposisyon ng mga kaso ang pangunahing sanhi ng pagkasira ng tiwala ng publiko sa judicial system. Teresa Tavares


  •  
  •  
  •  

Loading...