CA justice Mas nanumpa na sa tungkulin

CA justice Mas nanumpa na sa tungkulin

February 1, 2022 @ 9:28 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nanumpa na si Manila Regional Trial Court (RTC) Judge Ana Marie Train Mas bilang bagong associate justice ng Court of Appeals (CA).

Pinangunahan ito ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo sa Supreme Court’s (SC) session hall sa Padre Faura Street, Ermita, Manila, nitong Enero 31.

Pinalitan ni Justice Mas ang posisyon nabakante ni CA Associate Justice Edgardo L. Delos Santos noong 2019 matapos na ma-promote bilang SC justice na nagretiro rin nitong 2021.

Ang kanyang pagkakatalaga sa CA ay panglimang appointment na ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Enero lamang.

Her appointment was the fifth in the CA released by President Duterte for this month of January.

Nauna nang itinalaga ng Pangulo sina CA Associate Justices Jennifer Joy Chua Ong, Michael P. Ong, Maximo M. De Leon, and Jacinto Gavino Fajardo Jr. RNT