CA panel hearing sa appointment ni Bautista sa DOTR, sinuspinde

CA panel hearing sa appointment ni Bautista sa DOTR, sinuspinde

December 7, 2022 @ 6:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Commission on Appointment committee nitong Miyerkules, Disyembre 7 ang deliberasyon sa ad interim appointment ni Jaime Bautista bilang Kalihim ng Department of Transportation (DOTr) dahil sa kakulangan ng oras.

“For lack of material time and considering that there are still other members who still want to propound questions to the appointee, I move to suspend the deliberation on the ad interim appointment of Secretary Jaime Jimenez Bautista as secretary of the Department of Transportation until further notice,” sinabi ni CA Majority Leader at Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte.

Ipinaliwanag ni Villafuerte na kailangan pang magsagawa ng deliberasyon ng CA committee sa appointment ng nasa 61 diplomats mula sa Department of Foreign Affairs.

Humingi naman ng paumanhin si CA Chairman at Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagtitigil ng pagdinig dahil sa kulang na sa oras.

Kasabay nito ay bahagyang naudlot din ang isinasagawang hearing sa appointment ni Bautista nang yumanig ang magnitude 5.3 na lindol sa Camarines Norte na naramdaman hanggang sa Metro Manila.

“First of all, we apologize, Secretary. It was force majeure. Your hearing is so dramatic that nagkaroon ng earthquake na may impact talaga. But we’re really running out of time because there’s 61 foreign affairs officials [to face the CA panel]. We’ll invite you back again next week, the soonest possible time to join us here, to answer the questions,” paumanhin ni Zubiri. RNT/JGC