CA seat binitiwan, ibinigay ni Gatchalian kay Bong Go

CA seat binitiwan, ibinigay ni Gatchalian kay Bong Go

July 7, 2022 @ 6:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Binitiwan ni Senador Sherwin Gatchalian ang kanyang puwesto sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) kay Senador Christopher “Bong” Go.

Ibinulgar ito ni Gatchalian sa ginanap na interview nitong Miyerkoles sa Senado saka ipinaliwanag na nakabase sa membership sa Casa political parties ng isang senador.

Miyembro si Go ng Partido ng Demokratikong Pilipino -Laban (PDP-Laban) ni dating President Rodrigo Duterte.

Kasapi naman ni Gatchalian ng Nationalist People’s Coalition (NPC). “There’s a seat allocated for me being an NPC member.”

“The allocation in CA is per party so as NPC member, I was allocated one, but I gave up my seat to Senator Bong Go because he requested if he can get the full three-year term,” Gatchalian said.

Miyembro din ng NPC sina Senador Loren Legarda at Joseph Victor “JV” Ejercito.

Nakatakda pang ihayag ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang CA membership.

Naunang ibinulgar ni Zubiri na nagkaroon siya ng pulong sa dalawang grupo ng senador na nakatakdang susuporta sana sa kagustuhan ni Senador Cynthia Villar at pingunahan ito ni Sen. Loren Legarda.

Kabilang sa isyung pinalantsa ni Zubiri ang komposisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET). Ernie Reyes