CAAP naglagay ng CCTVs sa air traffic equipment room

CAAP naglagay ng CCTVs sa air traffic equipment room

January 14, 2023 @ 1:14 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Isang araw pagkatapos ng anim na oras na Senate probe sa air traffic mess, naglagay na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng closed-circuit television (CCTV) cameras sa equipment room nito.

Nitong Biyernes, ipinakita ni CAAP Director General Capt. Manuel Antonio Tamayo ang mga larawan ng CCTV cameras na ikinakabit sa Communications, Navigation and Surveillance Systems for Air Traffic Management (CNS/ATM) room ng CAAP.

“Salamat sa CAAP at inaksyonan nila ngayong araw ang utos natin kahapon sa Senado na lagyan agad ng CCTV cameras sa mga sensitibo and kritikal na areas na nakalagay ang ating CNS/ATM equipment,” pahayag ni Senate President Miguel Zubiri nitong Biyernes.

“Sana nalagyan na yan dati pa ng CCTV para nalaman natin kung ano talaga nangyari noong Jan. 1 pero better late than never,” dagdag ni Zubiri.

Dahil sa pagkuwestiyon ni Zubiri, inamin ng CAAP na walang CCTV surveillance ang CNS/ATM room.

“Unfortunately, we do not have any CCTV coverage inside the equipment room but in other areas of the facility, we have,” sabi ni Tamayo sa Senado nitong Huwebes. RNT/SA