Cabinet meeting ni PBBM, sumentro sa mga proyekto ng DMW

Cabinet meeting ni PBBM, sumentro sa mga proyekto ng DMW

August 23, 2022 @ 3:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sumentro sa mga pangunahing proyekto ng Department of Migrant Workers ang Cabinet meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa Facebook post, sinabi ng Office of the President (OP) na itutulak ng  Department of Migrant Workers (DMW) ang One Repatriation Command Center, overseas Filipino workers (OFW) Mobile Application at National Reintegration Program nito.

“Nagprisenta po sila ng mga plano ukol dun sa repatriation, digitalization, negotiations, these are bilateral labor agreements, programs for OFW kids, reintegration of OFWs, scholarships, protection and health,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Matatandaang, nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Disyembre 2021 ang batas na lumikha sa DMW. Sa oras na maaprubahan na ang 2023 national budget ay  magiging fully constituted  na ito.

Layon ng DMW na mapabuti ang koordinasyon sa mga ahensyang tumutugon sa mga suliranin ng mga migranteng manggagawang Pilipino.

Matatandaang sinabi ni Senador Bong  Go na ang DMW ay naglalayong ipagtanggol at pangalagaan ang mga karapatan at interes ng mga modernong bayani ng bansa.

Prayoridad naman ng  Department of Labor and Employment (DOLE) ang palakasin ang  “employment opportunities, humane working conditions, and accessible government services.”

“They will discuss with details later on possibly next week for the specifics of their plans and programs,” ang pahayag ni Cruz-Angeles. Kris Jose