Cable cars bilang solusyon sa traffic inihirit ni Padilla

Cable cars bilang solusyon sa traffic inihirit ni Padilla

August 10, 2022 @ 8:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isinusulong ni Senator Robin Padilla ang pagtatalaga ng cable cars upang tugunan ang traffic congestion, lalo na sa Metro Manila.

Ito ang naging pahayag ni Padilla sa plenary session nitong Martes matapos manawagan ni Senator JV Ejercito sa pagpapabuti ng railway system.

“Ngayon lang po, gusto ko lamang pong imungkahi sa ating mahal na senador [Ejercito] sa San Juan, meron pong isang nauuso din ngayon na kung tawagin po nila ngayon ay ropeway. Ito po ‘yung paggamit ng cable,” sabi ni Padilla.

“Nais ko rin po sana na imungkahi po sa inyo na ito po ay bagay din sa Pilipinas, lalong-lalo na sa Metro Manila, dahil sa traffic. Ito po ’yung mga cable car,” dagdag niya.

Iginiit ni Padilla na dahil sa mabigat na trapiko, hindi umuunlad ang bansa.

Inihayag naman niya na ang maayos na transportation system ay makatutulong sa traffic, at ang pagpapaganda ng mga riles ay makatutugon din dito.

Sabi pa ng senador, kinakailangan sa geographical setting ng bansa ang mga tren. RNT/SA