CabSec Nograles, magse- self quarantine din; IATF, telecon muna ang set up ng trabaho

CabSec Nograles, magse- self quarantine din; IATF, telecon muna ang set up ng trabaho

March 26, 2020 @ 11:30 AM 6 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagdesisyon na rin si Cabinet Secretary at IATF Spokesman Karlo Alexei Nograles na mag-self quarantine.

Sinabi ni CabSec Nograles na sariling inisyatibo niya na gawin na ang nasabing hakbang sa kabila ng wala naman siyang direktang nakasalamuhang nagpositibo sa COVID 19 at wala siyang nararamdamang sintomas ng sakit.

Aniya, nasa second generation ang kanyang category kung tutuusin na ang ibig sabihin ay pwedeng hindi siya mag -self quarantine subalit minabuti na aniya nyang gawin kaya’t magsisimula na rin aniya siyang mag work from home.

Tiniyak ni CabSec Nograles na tuloy tuloy pa rin ang trabaho ng IATF pero magiging teleconferencing na ang kanilang set up.

Sa kabilang dako, maliban kay CabSec Nograles, nag self quarantine na rin sina budget secretary wendel avisado, dswd sec rolando bautista, dilg sec eduardo año, at Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez Jr. na pawang nakahalubilo ni cong eric yap na covid 19 positive.

Sinabi ni OPAPP spokesperson wilben mayor na “kasama siya (Galvez) sa meeting nung sat sa malakanyang with Cong. Eric Yap.” Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...