Café na para sa matatapang ang sikmura, Tara G sa Seoul!

Café na para sa matatapang ang sikmura, Tara G sa Seoul!

August 7, 2018 @ 1:43 PM 4 years ago


 

 

Seoul – Kaya mo bang kumain ng tsaa na gawa sa cricket, muffin na gawa sa mealworm at green tea smoothie na may silkworm? Oo tama ang lahat ng ‘yan! Ano? Tara G sa Edible Coffee sa Seoul.

Kung madadayo ka man sa Seoul at may matapang kang sikmura, perfect na perfect ‘yan sa café na ito dahil kakaiba ang mga ino-offer nilang kape at tsaa simula noong 2016.

“People who are curious and who want to have the experience visit the cafe,” hamon ni Ryu Bo-ah, marketing manager ng Edible Inc., at may-ari ng café.

Binuo ang firm noong 2013 kung saan nagbebenta rin sila ng mga insect products sa website nito. Pinapadala rin ang produktong ito sa Olive Young at E-Mart, top local distributors.

Kabilang sa mga kadalasang ginagamit na ingredient at madalas na makikita sa kabuuan ng menu ay ang mealworm at larva ng darkling beetle. Ito ang ginagamit na ingredient para sa cookies, muffins, chips at iba pa.

At eto pa, mealworm chips with nuts naman ang top recommendation nito sa menu.

“For making the food, we do not really have to use whole insects but rather grind them. But as customers prefer to see the bugs, we sprinkle the bugs as toppings,” sabi pa ni Ryu said.

Ang sarap hindi ba?

Bukod pa rito, may isa pang gamit ang mealworm, ito ay ang gawin itong smoothie, pinakasikat sa lahat. May dalawa itong version; 300 mealworms version at 500 mealworms version na nagkakahalaga ng 6,000 won ($5.40) at 8,000 won.

Hindi mo nga raw malalaman ang pinagkaiba ng normal na smoothie at sa gawa sa pinatuyong mealworms dahil pareho lang ng lasa at itsura.

Nagse-serve rin ang Edible Coffee ng main dishes ngunit itinigil ito dahil sa presyo nito.

Mayroon ding mga package bugs na ibinibenta sa café gaya ng crickets, silkworms at maggots. Mabibili ito sa halagang 5,000 won at 10,000 won at ‘wag ka! Dahil mayroong mga kostumer na dumadayo pang talaga para lamang bumili ng mga produkto ng café.

Pinapatakbo ang cafe na ito hindi para kumita kundi para makakuha ng mga feedback mula sa costumer. Remate News Team