CAFGU pinalaya kapalit ng pagkain

CAFGU pinalaya kapalit ng pagkain

July 24, 2018 @ 5:29 PM 5 years ago


 

Surigao Del Sur – Isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit o CAFGU ang dinukot ng grupong New People’s Army (NPA) sa Carmen, Surigao Del Sur pero kalaunay pinalaya din kapalit ng pagkain.

Nasa ligtas ng kalagayan ang biktima na nakilalang si Eusebio Meniano, 43, isang magsasaka matapos mapalaya at maayos na naibalik sa kanyang pamilya kanina.

Bukod sa pagiging miyembro ng CAFGU si Meniano, ito rin ay kasalukuyang municipal tribal chieftain sa kanyang bayan sa Carmen, Surigao Del Sur.

Ayon kay Brigadier Gen. Nemesio M Gacal, commander ng 402nd Brigade, si Meniano ay nakabase bilang CAFGU member sa 1st Platoon, 10th SDS CAA-1 Company sa San Roque Patrol Base, Barangay San Roque, Madrid, Surigao Del Sur.

Lumalabas sa ulat na dinukot si Meniano ng mga rebeldeng NPA sa kanyang tahanan pasado alas 4 ng madaling araw. Itinuturong sangkot sa pagdukot sa biktima ay mula sa Platoon 2, GFC30, NEMRC sa ilalim ni Kumander Raul Alacre alyas Megan na kumikilos sa Carcanmadcarlan, Surigao Del Sur.

Subalit makalipas ang ilang oras na negosasyon sa pagitan ng mga local officials ay pinalaya ng NPA si Meniano matapos tumanggap ang grupo ng mga pagkain gaya ng kilo kilong karne, mga isda, asukal at kape.

Sinasabing desperado na umanong kumuha ng mga bitag ang rebeldeng grupo para ipampalit ng mga pagkain. (Jeff Gallos)