Cagayan, Aurora uulanin sa amihan

Cagayan, Aurora uulanin sa amihan

December 14, 2022 @ 6:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magdudulot ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Northern Luzon ang northeast monsoon o amihan.

Ito ang iniulat ng PAGASA nitong Miyerkules, Disyembre 14 kung saan ang Cagayan Valley at Aurora ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa nabanggit na weather system.

Maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan din dulot ng amihan ang mararanasan sa Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at localized thunderstorms. RNT/JGC