Cagayan Gov. Mamba, umapela sa diskwalipikasyon

Cagayan Gov. Mamba, umapela sa diskwalipikasyon

December 17, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Cagayan Governor Manuel Mamba na pinayagan siya ng Commission on Elections (Comelec) En Banc maglabas ng pondo ng lalawigan sa pamamahagi ng ayuda sa panahon ng May 2022 elections.

Inihayag ito ni Mamba kasunod ng desisyon ng second division ng Comelec na idiskwalipika siya sa nakaraang gubernatorial race dahil sa paglabag umano niya sa sa spending ban.

Base sa ulat nitong Biyernes, iginiit ni Mamba niya ang exemption sa Comelec para sa pamamahagi ng ayuda.

“Lockdown noon, may mga level tayo noon towards the election. Nag-level 1 pero before election, December, level 3. Takot na takot yung tao,” paglalahad ng gobernador.

“Wala akong ibinigay in exchange for their votes,” paglilinaw niya.

Hawak na umano ng abogado ni Mamba ang letter of discualification ng Comelec at binubusisi na nila ang susunod nilang hakbang.

Ang kanyang katunggali na si Zarah Rose Lara, ang naghain ng reklamo sa Comelec laban kay Mamba.

Ayon kay Lara, nagsagawa umano ng vote buying activities si Mamba noong campaign period sa pamamagitan ng cash assistance distribution mula sa pondo ng kapitolyo sa ilalim ng programang “No Barangay Left Behind” (NBLB), “No Town Left Behind” (NTLB) at “Oplan Tulong sa Barangay.”

Itinuloy pa rin umano ito ng gobernador kahit na mayroong temporary restraining order na inilabas noong 29 April 2022 ang Regional Trial Court Branch 5, Tuguegarao City, Cagayan.

Bukod pa umano ito sa ipinamigay ni Mamba na P550 milyon mula sa provincial government sa ilalim ng “Krusada Kontra Korapsyon (KKK).”

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang omelec at si Lara kaugnay ng pahayag ni Mamba. RNT/SA