Caguioa, nakaabot na sa 10,000 point-mark

Caguioa, nakaabot na sa 10,000 point-mark

October 6, 2018 @ 3:57 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kabilang na si Mark Caguioa sa listahan ng PBA elite players matapos niyang maitala ang kaniyang 10,000-point-mark sa kanilang laban kontra NLEX kagabi sa Araneta Coliseum.

Napagtagumpayan ni Caquioa na makuha ang kaniyang ika-10,000 points sa isang jumper shot sa tulong na rin ng kaniyang teammate na si Scottie Thompson.

Kasabay ng panibagong milestone sa PBA career ni Caguioa ay tagumpay din naipanalo ng Brgy. Ginebra ang kanilang laban kontra NLEX Road Warriors sa Governor’s Cup, 106-92, kagabi.

Nakakuha si The Spark ng 16 na puntos at 8 rebounds na nakatulong sa pagka-panalo ng kanilang team.

“All of my teammates helped me reach 10,000, including LA (Tenorio) and Scottie. It’s a good thing that I didn’t embarrass them and the fans watching,” pahayag ng PBA player.

Dalawang puntos na lang para sa ika-10,000 points ni Caguioa ay inalis pa siya sa laro. Kaya naman noong ibinalik na siya sa huling apat na minuto ng game ay hindi na nagsayang ng oras ang player.

Sa huling 1:06-minute ng laro naabot ni Caguioa ang panibagong kasaysayan sa kaniyang PBA career.

“Mahirap na isipin mo iyong kunin mo iyong 10,000 points. Just let the game come to you pero noong huli rin parang hinabol ko rin so medyo naasar sa akin si coach Tim (Cone) ng kaunti.”

Ika-15 naman si “The Spark” sa mga Filipino player na nakakuha ng 10,000 point. Una na dito ang all-time leader na si Ramon Frenandez, na may 18,996 points. Sinundan ni Abet Guidaben, 15,775 at ang pangatlo sa listahan ay ang 4-time PBA MVP player na si Alvin Patrimonio na may 15,091 points.

Nais pa rin daw ni Caguioa na kumolekta pa ng mas maraming trophy bago niya wakasan ang kaniyang basketball career./Remate News Team/Intern, Ellaine Joy Waje