Caidic nagpasikat sa panalo ng Heroes vs Gaints sa GMA NCAA All-Star Game

Caidic nagpasikat sa panalo ng Heroes vs Gaints sa GMA NCAA All-Star Game

October 16, 2022 @ 9:36 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi pa rin kumukupas ang husay ni PBA legend Allan Caidic sa shooting matapos nitong pangunahan ang Team Heroes laban sa Team Saints, 98-95 sa Team Saints sa NCAA Season 98 All-Star Basketball.

Nagpasikat ang Team Heroes at tumulong din sa opensa si  GMA artist Raheel Bhyria, 35-24, pero siniguro ng Saints na makakasabay.

Nagsanib-pwersa sina San Beda gunner James Kwekuteye at beteranong San Sebastian na si Ichie Altamirano, upang maitabla ng Saints  halftime ang iskor sa 52-all.

Nagpakitang gilas si Caidic at kumana ng tatlong tatlong three-pointer para tulungan ang Team Heroes na makuha ang panalo.

Naging mahigpit ang laban kung saan isang layup ni Will Gozum ang nagbigay ng isang puntos na kalamangan sa Saints, 90-89, sa nalalabing 2:07 sa laro bago maglunsad sina Caidic at Nat Cosejo ng maliit na run upang mabawi ang advantage, 93-90.

Muling nagtabla ang laban ng maka-tres si Kwekuteye bago ang tatlong freebies courtesy nina Allen Liwag at Enzo Navarro na sumelyo ng panalo para sa Heroes.

Nagtapos si Caidic na may 14 na puntos, anim na assists habang si Cosejo ay nangunguna sa 16 markers at pitong rebounds.

Si Kwekuteye ay naging bida para sa Saints sa kanyang 15 puntos, limang assist, at apat na rebounds habang ang isa pang PBA legend na si Willie Miller ay gumawa ng 12 markers.JC