Calamba Trade Center nasunog, P3M pinsala naitala

Calamba Trade Center nasunog, P3M pinsala naitala

June 9, 2022 @ 3:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagliyab ang Calamba Trade Center sa Laguna, Huwebes ng umaga, at nagtamo nv halos P3 milyong pinsala.

Ayon sa Calamba City Fire Station, naiulat ang insidente ng alas-2:20 ng madaling araw. Agad naman itong rumesponde sa sunog na umano’y dahil sa electrical spark mula sa kalapit na billboard.

“Nagkaroon ng spark, nagliyab at ‘yong mga nasa baba po nitong mga tindahan, nabagsakan po sila ng apoy. Doon na nag-umpisa magkaroon ng sunog,” paglalahad ni Fire Officer 3 Jose Potenciano Garcia.

“May seven establishments na magkakatabi ang nadamay dito sa fire na ito,” aniya pa.

Sinabi niya na karamihan sa mga napinsalang gamit ay flammable, dahilan upang mabilis na kumalat ang apoy.

Naapula naman ng mga bumbero ang apoy ng alas-3:29 ng madaling araw.

Wala umanong naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente. RNT/SA